Ateneo Blue Eagles, wagi kontra Adamson University Falcons sa UAAP Men’s Basketball season 80

UAAP – Namayagpag ang Ateneo Blue Eagles kontra sa Adamson University Falcons sa kanilang laban kagabi sa nagpapatuloy na Season 80 ng UAAP men’s basketball.

Sa iskor na 71-59, nagpakita ng magandang depensa ang Ateneo sa laro, dahilan para magtala lamang ng 24 puntos ang Falcons sa first half.

Bumida si Thirdy Ravena sa kanyang koponan na nakagawa ng 15 points na isa sa naging mitsa para matapos ang 4-game winning streak ng San Marcelino-Based Squad.


Labing-limang puntos din ang ipinasok ni Papi Sarr ng Adamson para maisalba ang koponan sa laro.

Malinis pa rin ang record ng Blue Eagles sa liga na may 8-0 record, habang laglag na sa 5-3 record ang Falcons.

Facebook Comments