Magsasagawa ng pagsasanay ang Ateneo De Naga University sa Naga City para sa mga myembro ng Sangguniang Barangay.
Layon nito na magiging mas epektibo ang mga kagawad ng barangay na magampanan ang pangunahing tungkulin sa pagsagawa ng batas-pambarangay (resolutions and ordinances) para sa ikauunlad ng kanilang lugar.
Isang mabuting pagkakataon ang nakatakdang pagsasanay para matuto ang mga barangay kagawad, lalung-lalo na ang mga bagong halal na myembro, ng mga kaparaanan o proseso ng pagsasagawa ng batas-pambarangay.
Mabuting pagkakataon din ito para sa mga datihan ng kagawad na muling binigyan ng mandato para ma-update sila ng mga mas epektibong hakbang para mas higit pang mapahusay ang kanilang pagganap sa kani-kanilang tungkulin sa pamayanan.
Gaganapin ang pagsasanay sa darating na August 2-3, 2018 – Training on Parliamentary Procedure at August 30-31, 2018 – Training on Drafting of Resolutions and Ordinances, sa Ateneo de Naga University, Ateneo Avenue, Bagumbayan Sur, Naga City.
Bukas ang nasabing pagsasanay sa lahat ng mga kagawad ng Naga City at mga karatig lugar.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (054) 881-4135 / 0926-045-8244 / 0950-693-8680
Ateneo De Naga – Magsasanay ng mga Barangay Officials
Facebook Comments