Atty. Barry Gutierrez, rumesbak sa pangungutya ni Panelo sa ‘di mailabas-labas na report ni VP Leni sa ICAD

Bumwelta si Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo sa pagkwestyon ni Presidential spokesman Salvador Panelo sa kung bakit hindi mailabas-labas na ulat sa Bayan ng Bise Presidente.

Ikinalungkot ni Gutierrez na mistulang hindi maintindihan ni Panelo kung bakit hindi muna nagsalita si VP Leni tungkol sa ibang bagay.

Ito ay upang matuon ang kanilang buong atensyon sa napaka-importanteng isyu ng pagtulong sa mga biktima ng lindol sa Davao del Sur.


Ani Gutierrez, sa halip na makiisa si Panelo sa Bise Presidente,  parang nangungutya pa ito at ginamit ang okasyon para makakuha ng mga political points sa  gitna ng trahedya.

Aniya, ang ganitong asal ni Panelo ay pagpapakita lamang na wala itong puso at malasakit para sa mga biktima ng kalamidad.

Facebook Comments