
Matinding pagpapaliwanag ang kailangang gawin ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa pagkakadawit niya sa kontrobersyal na “polvoron” video.
Sabi ni Adiong, isang malaking kasalanan ang mag-doktor o gumawa ng pekeng video para siraan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at palabasin na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.
Giit ni Adiong, delikado ang ginawa ni Roque na paghikayat sa tao na magalit sa pamahalaan.
Magugunitang sa nakaraang pagdinig ng House Tri-Committee ay isiniwalat ni social media personality Vicente Bencalo “Pebbles” Cunanan na si Roque ang orihinal na pinagmulan ng “polvoron” video.
Facebook Comments