Atty. Larry Gadon, naghain ng voluntary service of suspension sa Korte Suprema

Naghain si Atty Larry Gadon ng voluntary service of suspension sa Korte Suprema.

 

Ito ay Matapos ipag-utos ng Supreme Court ang pagsuspinde kay Gadon bilang abogado.

 

Nakasaad sa kanyang voluntary service of suspension na hindi siya nakatanggap ng kopya ng suspension order ng Kataas-Taasang Hukuman dahil sa maling address pala ito naipadala.


 

Sa kabila nito, nanindigan si Gadon na siya ay tatalima sa kautusan ng Supreme Court.

 

Sinuspinde ng SC si gadon dahil sa paglabag sa Canon 8 ng Code of Professional Responsibility na nagbabawal sa mga abogadong gumamit ng abusive, o offensive na pananalita sa kanilang pagganap sa tungkulin.

 

Nag-ugat ito sa disbarment case na inihain laban kay Gadon ng dermatologist na si Helen Joselina Mendoza noong 2009.

Facebook Comments