Friday, February 27, 2026

Atty. Levito Baligod, sinabing may ilan pang indibidwal ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa P805-B na naipadala sa mga sangkot na opisyal

Ibinunyag ni Atty. Levito Baligod na bukod sa 18 umano’y marino, may ilang indibidwal ang nagbigay ng ebidensya kaugnay sa alegasyon sa pagpapadala ng P805-bilyon sa mahigit 30 opisyal ng gobyerno.

Sa ambush interview, ibinahagi ng abogado ang kaniyang naging vetting process bago isumite ang affidavit ng mga ito kahapon sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa abogado, may mga nakausap siya na kasamahan ng mga marino na ayaw pang lumabas sa ngayon.

Sinabi niya na bukod sa mga ebidensiya na ibinigay ng mga 18 marino, nagbigay pa ito ng mga litrato at dokumento.

Dagdag pa niya, una niyang nakausap ang mga ito noong Oktubre, hanggang sa napagdesisyunan ng mga ito na ilabas ang mga ebidensiya dahil sa isang insidente.

Samantala, walang nabanggit ang abogado kung mayroong bagong ebidensiyang naisama sa ipinasang affidavit sa Ombudsman.

Aniya, ang mga nakasaad sa isinumiteng affidavit ay matatawag na allegation of ultimate facts kung saan sinabi niya na pagdating ng imbestigasyon, doon lamang lalabas aniya ang mga specific na ebidensya.

Facebook Comments