Manila, Philippines – Hindi pinalagpas ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang trabaho ni Atty. Mandy Anderson bilang Chief of Staff ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Kinwestyon ni Fariñas si Anderson sa pagpirma nito ng Daily Time Record ng mga basketball at volleyball players.
Giit ni Fariñas, ang isang consultant tulad ni Anderson ay hindi dapat gumaganap sa trabaho ng isang government employee o official.
Bukod sa wala itong accountability sa publiko dahil hindi naman ito government employee, hindi nito trabaho na pumirma sa mga dokumento tulad ng DTR ng mga empleyado.
Babala ni Fariñas kay Anderson, nakakatakot ang ginagawang niya lalo’t dapat ay alam nito ang kanyang trabaho dahil ito ay isang abogado.
Si Anderson ay dating nagtatrabaho sa Villaraza Law Firm at isa sa mga agad na kinuha sa BOC nang maupo si Faeldon sa komisyon at may sweldong 50,000.
Sinabi ni Anderson na hindi siya nagsumite ng aplikasyon at sa halip ay minessage lamang siya sa Facebook.
Malinaw aniya na usurpation of authority ang ginagawa ni Anderson na pagganap sa trabaho ng mga taga-gobyerno.
Samantala, sinabi naman ni Kenneth Duremdes na 8 hours sila nagtatrabaho sa field dahilan kaya si Anderson ang pumipirma sa kanilang attendance.
Nakisimpatya naman si Fariñas at hindi na pinasasali ng kongresista sa imbestigasyon ang mga players na kinuha ng BOC dahil posibleng nagamit ang mga ito at hindi alam ang nangyayaring iregularidad.