
Pinadalhan ng House Committee on Justice ng subpoena sina Atty. Michael Poa – ang legal counsel ni Vice President Sara Duterte at si National Bureau of Investigation Dir. Melvin Matibag para humarap sa nakatakdang impeachment proceedings sa April 14.
Inaatasan ng Komite si Poa na tumestigo ukol sa paggamit at liquidation ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) mula 2022 hanggang 2023.
Sa nabanggit na mga panahon ay nagsilbi si Poa bilang chief of staff ng DepEd habang kalihim naman nito si VP Duterte.
Ang pagpapatawag naman Komite kay Matibag ay may kinalaman sa banta ni VP Sara na ipapaptay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Pinapasumite din ng Komite kay Matibag ang mga kopya ng rekord, mga litrato at iba pang dokumento kaugnay sa imbestigasyon ng NBI hinggil sa naturang pagbabanta ni VP Sara.










