
Dinepensahan ng Spokesman ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo ang testigo na si Engr. Jaime Adalin, ang Davao City Assessor, sa ika-40 araw ng impeachment trial ni VP Sara.
Ito ay matapos na tawagin ng prosekyusyon na “evasive” o umiiwas ang mga sagot ni Adalin sa isinagawang cross examination patungkol sa pinagtatalunang ari-arian sa Davao City.
Ayon kay Panelo, nasagot naman ng testigo ng depensa ang mga katanungan sa kanya at tingin nito kaya lang nasabi ito ni Atty. Jay Tolosa Jr. ang kampo ng prosekyusyon, ay dahil hindi lang nito nakuha ang gusto nitong sagot.
Samantala, ayon pa kay Panelo nasa prosekyusyon dapat ang burden of proof para i-assess ang umano’y hindi deklaradong ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng bise presidente.










