Monday, November 9, 2026

VP Duterte, posibleng hindi nagbabayad ng tamang buwis para sa mga ari-arian nito

Lumabas sa pagharap ng unang testigo ng depensa sa impeachment trial ang posibilidad na hindi nagbabayad ng tamang buwis si Vice President Sara Duterte para sa mga ari-arian nito.

Sinabi ito ni House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong at House Prosecutor Manila Rep. Joel Chua, kasunod ng pagharap sa Impeachment Court ng unang testigo ng depensa na si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin.

Base sa mga dokumento na ipinrisenta sa impeachment trial, ang property ni VP Sara sa Matina, Davao City ay nakadeklara sa 2024 Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni VP Sara bilang lote lamang at may acquisition cost na P10-million pero batay sa Electronic Certificate Authorizing Registration o ECAR ito ay may selling price na P6-million at mayroong improvement.

Hindi inaalis nina Adiong at Chua na maaring dalawang magkaibang property ang nasa SALN ni VP Sara at nasa ECAR, o sinadyang ibaba ang presyo nito na idineklara sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para mababa din ang bayarang amilyar.

Facebook Comments