Atty. Victor Rodriguez, inalis na rin bilang cabinet member ng Marcos administration

674

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na kasama sa gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Atty. Victor Rodriguez.

Ayon kay Bersamin, walang Administrative Order No. 1, na magtalaga kay Atty. Vic Rodriguez bilang presidential chief of staff kaya hindi na siya kabilang sa Marcos administration.

Sa ngayon, ayon kay Bersamin, wala pang malinaw na posisyon kay Atty. Rodriguez.


Hindi pa raw ito napag-uusapan.

Sa ngayon, mas maigi aniyang respetuhin ang privacy ni Atty. Rodriguez.

Facebook Comments