Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagbitiw na sa pwesto

Kinumpirma ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na nagbitiw na sa pwesto si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Aniya, nagsumite ito ng kaniyang resignation letter ngayong araw sa MalacaƱang dahil sa health reason.

Sa ngayon, naghahanap na nang kapalit ang MalacaƱang para pumalit kay Atty. Trixie.


Matunog ang pangalan na papalit sa kaniya ay si Atty. Michael Toledo incumbent head ng Government Relations and Public Affairs of the Metro Pacific Investments Corporation, pulitiko at dating journalist na si Gilbert Remulla.

Matatandaang si Atty. Angeles ay hindi kasama sa nire-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos na ma-bypassed sa Senate Commission on Appointments kamakailan.

Facebook Comments