Nangako ang Australian government na magbibigay sa Pilipinas ng dagdag na 13.72 Australian Dollars o katumbas ng ₱480.2 million para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Australian Ambassador to Manila Steven J. Robinson, inabisuhan na niya si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Health Secretary Francisco Duque III, National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. hinggil dito.
Aniya, ang Pilipinas ay makakatanggap ng karagdagang vaccine procurement at end-to-end distribution support para maabot ang pangangailangan nito sa ilalim ng bagong kasunduan ng Australia sa UNICEF para sa pagbili ng ligtas at epektibong bakuna.
Ang bagong commitment na ito ng Australia ay dagdag suporta nila sa COVAX Facility kung saan nakapag-contribute na sila ng hanggang 130 million Australian Dollars.
Pinasalamatan naman ni Locsin ang Australian government sa tulong na ito.