Mainit ang pagtanggap ng mga opisyales ng ARMM sa mga bisita na sina Australia’s Minister for International Development and the Pacific Concetta Fierravanti-Wells at Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely.
Mismong sina Governor Mujiv Hataman at Executive Secretary Laisa Alamia ang umistema sa Australian delegation.
Natalakay ng mga ito ang mga inisyatibo ng gobyerno upang malabanan ang violent extremism.
Sinabi ni Gov. Hataman na naging maganda ang resulta ng “Program Against Violent Extremism” na inilunsad ng ARMM noong 2017, ito anya ay idinisenyo upang mabigyan ng uportunidad ang mga miyembro ng teroristang grupo na sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan na makapamuhay ng normal, umani din ito ng suporta mula sa national government, mapapabilang na rin ang Program Against Violent Extremism sa reintegration program ng pamahalaang nasyunal na tinaguriang “Comprehensive Local Integration Program” (CLIP) dagdag pa ni Gov. Hataman.
Iprinisenta din ni ARMM Education secretary Atty. Rasol Mitmig sa mga bisita ang mga pagsisikap ng education department upang matugunan ang violent extremism.
Australian officials bumisita sa ARMM!
Facebook Comments