
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Australia ang patuloy na pagdagsa sa Pilipinas ng mga turistang Australian.
Ayon sa embahada, as of February 16, 2025, umaabot na sa 51,069 Australian visitors ang dumating sa Pilipinas.
Sa nakalipas na taon, ang Australia ang panglima sa pinakamalaking tourism source market ng Pilipinas.
Ito ay matapos dumagsa sa bansa ang 299,286 na turista mula sa Australia.
Naniniwala ang Philippine Embassy na bunga pa rin ito ng pagiging pangunahing travel destination ng Pilipinas.
Facebook Comments