Baguio, Philippines – Sa ipinasang council resolution na inaprubahan na noong lunes ng nakaraang linggo, pinapa-alam sa lahat ng business establishments sa siyudad na kailangan pa din sumunod sa pinatutupad na senior citizen’s discount sa pamamagitan ng kanilang mga authorized representatives na magpapakita ng ilang katibayan at dokumento tulad ng senior citizen’s identification card at authorization letter na may pirma ng card holder.
Nakasaad sa resolusyon na kailangan pa din sundin ng mga business establishments ang Republic Act 9994 o ang pagbibigay ng 20% discount sa mga bilihin para sa senior citizens, kailangan lang iprisenta ang Senior Citizen Identification Card.
Ayon kay Baguio City Councilor Elaine Sembrano, ang resolution na ito ay para higit pang matulungan ang mga senior citizens sa panahon ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) kung saan hindi sila pinahihintulutang lumabas para sa kanilang kaligtasan.