
26 pang mga Pilipino kasama ang isang sanggol ang nakatawid na rin ng Taba Border Crossing sa Egypt mula sa Israel.
Ang naturang mga Pinoy ay pansamantalang mananatili sa Egypt habang inaayos ang kanilang flight pauwi sa Pilipinas.
Sa ngayon, 100 na mga Pinoy na ang nakatawid ng Egypt mula Israel.
55 dito ay caregivers, hotel workers, at kanilang dependents, habang 45 naman ang mga non-Overseas Filipino Workers (OFWs) tulad ng mga turista, pilgrims, at mga estudyante.
Facebook Comments










