Autistic na nagsabing ‘Would someone like me?’, umani ng suporta

(Photo courtesy: Kerry Bloch Twitter)

Umani ng pagmamahal at suporta ang isang 21-anyos na lalaki mula Neptune Beach, Florida matapos ibahagi sa social media ng kanyang ina ang tanong na natanggap mula sa anak.

Sa tweet ni Kerry Bloch, 61, sinabi nitong, “My 21 year old autistic son has no communication skills. Today he asked me his first question ever. It was. “Would someone like me?”


Lumaking hindi nakakapagsalita at severely autistic si David Bloch dahil sa pagkakaroon nito ng immunodefiency disorder.

Ayon kay Kerry, bigla na lamang napatanong ang anak matapos niya ito mapansing may malalim na iniisip.

“I was flabbergasted. That’s the first question he has ever said to me. I left the room because I had to cry. I didn’t want David to think I was upset,” aniya.

Nang makahinga na raw siya ay binalikan niya ito at sinabing napakaraming tao ang magmamahal at magkakagusto sa kanya.

Nagpasya si Kerry na ipost sa Twitter ang tanong ni David at ikinagulat niya na agad itong nakatanggap ng samu’t saring komento at reaksyon.

Isa ang Jacksonville Jaguars sa nagbigay ng komento na may kasama pang video at sinabing, “You have a whole team that likes you and is a fan of you, David!”

Mayroon ding isang nagsabing, “You are special David!” “We have an autistic family member who pours out love & holds a special place in all our hearts. Now you & your mom hold a special place in mine.”

Kwento ni Kerry, sa kabila ng kalagayan ng anak ay isa-isa pa rin niyang binasa rito ang mga natanggap na mensahe.

“He’ll be looking at a picture and say, ‘Nice, pretty, funny,’” saad niya.

Agad nagviral ang naturang tweet at para sa ina ni David, ang kabaitan ng mga nagpadala ng mensahe sa anak ay nakatulong ng malaki para rito.

Isa namang mensahe ang ipinost ni David para sa kanyang mga tagasuporta, “Thank you friends for liking me.”

“He came up to me last night before he went to bed and said, ‘Trust people,’” kwento pa ng kanyang ina.

Samantala, si David ay sinasabing nag-iisang anak ni Kerry at itinuturing niya itong ‘miracle baby’.

Facebook Comments