Average na kaso kada araw ng COVID-19 sa nakalipas na linggo, halos 400 na lamang

Mula Marso 21 hanggang Marso 27, 2022, ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,726 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nangangahulugan ito na sa nakalipas na linggo ay 389 nasa average na bilang ng bagong kaso ng infection ang naitatala kada araw.

Ayon sa DOH, ito ay mas mababa ng 24% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 14 hanggang 20.


Sa mga bagong kaso, wala namang naitalang nasa kritikal na kondisyon.

Habang 752 ang kabuuang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Sa kabila nito, pinapayuhan ng DOH ang publiko na manatiling sumunod sa health protocols at agad na mag-isolate kapag nakaramdam ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments