Mga lumabag sa Comelec Gun Ban sa Western Visayas umabot na sa 127

Kalibo, Aklan — Umabot na 127 ang mga lumabag sa Comelec Gun Ban sa buong Western Visayas as of March 25, 2022.
Sa data ng Police Regional Office (PRO) 6, 15 ang mga naaresto sa Aklan; Antique 5; Capiz 9; Guimaras 4; Iloilo Province 21; Negros 51; Iloilo City 13 at Bacolod City na may 9.
Sa mga lumabag, 74 dito ang nahuli na iba’t-ibang klase ng baril at 62 ang bladed weapons.
Sa ngayon ay mas pang pina-igting ng mga kapulisan ang kanilang mga pagsasagawa ng mga checkpoints hanggang sa matapos ang Comelec Gun Ban sa Hunyo 8, 2022.
Facebook Comments