Awarding ng BROD Challenge sa Cauayan City, Matagumpay na Isinagawa!

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na isinagawa ang awarding ng Barangay Rescue on Disaster Challenge at Barangay Disaster Preparedness Assessment sa Minante Uno Community Center sa lungsod ng Cauayan.

Nasungkit parin sa pangalawang pagkakataon ng Brgy. Buena Swerte ang kampeonato sa BROD Challenge rural category, sa unang pwesto ang Brgy. San Antonio at pangalawa naman ang Brgy. Nagrumbauan.

Sa urban category ay naparangalan bilang kampeon ang Brgy. San Pablo, nasa 1 st. place ang Marabulig Uno at nasa pangalawa ang Brgy. Villa Flor.


Nagwagi parin ang Brgy. Minante uno bilang kampeon, sa unang pwesto ang Brgy. Sillauit at pangalawa ang Brgy. District 2 sa Brgy. Disater Preparedness Assesstment.

Kaugnay nito, sinabi ni ginoong Ronaldo Villoria ng CDRRMO na naging maayos ang partisipasyon ng mga kalahok sa isinagawang paligsahan at ipinagmalaki pa niya na naging mas mahusay ngayon ang mga lumahok.

Samantala tatlumput anim na barangay ang sumali sa nasabing paligsahan na mula sa kabuuang barangay sa lungsod  na animnapu’t anim.


Facebook Comments