Away ang Nagpapabagal sa Serbisyo ng Gobyerno- Vice Governor Tonypet Albano

Ilagan, Isabela – Walang patutunguhan gobyernong nag-aaway ang mga sangay nito.

Ito ang sinabi ni Isabela Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano sa panayam na ginawa sa kanya ng RMN News Team.

Ang kanyang pahayag ay nagmula sa katanungan tungkol sa rason kung bakit ang Lalawigan ng Isabela ay nakakatanggap ng maraming parangal sa mula sa award giving bodies na kumikilala sa maayos na pamamahala ng isang local government unit.


Bilang National President ng League of Vice Governors of the Philippines (LVGP) ay maraming mga probinsiya at lugar ang kanyang napuntahan sa bansa at kanyang nakita ang malaking pinsala na nagagawa ng away sa pulitika.

Ito ay lalong lalo na kung ang nag-aaway ang ehekutibo at lehislatibo na pinamumunuan ng Gobernador at Bise Gobernador.

Kanyang sinabi na nadaanan na ito ng Lalawigan ng Isabela sa mga nakalipas na panahon at pahirap ito sa pamamahala sa probinsiya.

Imbes na makatuon ang pamahalaan sa ikakabuti ng probinsiya ay masisira ang diskarte ng gobyerno sa pamamahala at paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Kanyang pang sinabi na sa pamamagitan ng magaling na liderato ni Gobernador Dy sa Isabela kasabay ng magandang ugnayan sa Sangguniang Panlalawigan na kanyang pinamumunuan bilang Presiding Officer ay magaan ang pagpapatakbo sa probinsiya.

Facebook Comments