Humantong sa pananaga ang dapat sana’y inuman lamang ng mga magkakamag-anak sa San Carlos City, Pangasinan.
Sa salaysay ni San Carlos City Police Station Public Information Officer PCpt. Mckinley Mendoza sa IFM News Dagupan, nagkayayaan ng inuman ang dalawang lalaking magkapatid kasama ang iba pang kaanak at kaibigan.
Parehas nang nakainom ang dalawa nang magsimula ang pagtatalo, dito na napikon ang nakababatang kapatid at hinampas ng itak ang kanyang kuya. Nagtamo ng sugat ang biktima sa kanyang ulo at kanang braso.
Nadakip ang suspek kasama ang bolo ng ginamit, habang kasalukuyan pa ring nasa ospital biktima at inoobserbahan.
Ayon kay Mendoza, napag-alaman umanong tampuhan ang dalawa na naging dahilan upang magawa ng suspek ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨