Wasak ang harapang bahagi ng isang SUV matapos salpukin ng kasalubong na kotse sa Brgy. Alac, San Quintin, Pangasinan.
Kinilala ang driver ng nawasak na sasakyan na residente ng Lucena City lulan ang isa pa nitong kasamahan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nahagip ng isang SUV ang sasakyan ng mga biktima dahilan ng pagkawasak ng harapang bahagi nito.
Hindi naman agad nakilala ang driver ng nakasalpok na SUV dahil tumakas ito matapos ang insidente ngunit kalaunan ay natukoy bilang residente rin sa lugar ayon sa salaysay ng ilang witness.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente para sa pagkakadakip sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments