LALAKI, SUGATAN MATAPOS PAGBABARILIN HABANG NAGLALAKAD

Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa tapat ng palengke sa Anda, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na isang 46 anyos, residente sa bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, naglalakad umano ang biktima sa tapat ng pamilihan nang biglang pagbabarilin ito sa kanyang likod ng hindi kilalang suspek.

Agad naitakbo sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, naaresto ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng awtoridad na kinilalang residente ng Bugallon.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa motibo ng pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments