Natapos na ang dalawang taong rido o away pamilya sa pagitan ng dalawang kilalang pamilya sa Brgy. Midcanding Gen.Salipada K. Pendatun Maguindanao sa tulong ni Maguindanao 2nd District Assemblyman Toy Mangudadatu, 33rd Infrantry Batallion Commander Lt.Col.Harold Cabunoc at Army’s 1st Mechanized Brigade Commander Col. Robert Dauz.
Ayon sa impormasyong naiparating sa DXMY , ang gulo sa pagitan ng pamilyang Samama at Adbul ay naging dahilan ng pagkasawi ng mga kaanak ng bawat isa, sa isinigawang rido settlement ay pinalagda ang dalawang pamilya ng isang memorandum of agreement na kinatawanan ng bawat pamilya na sina Kindao Samama at Bong Abdul.
Nagyakapan at nagkamayan ang mga miyembro ng dalawang dating magkalabang pamilya at nanumpa rin ang mga ito sa Qur’an na tapusin na ang anumang hidwaan at pagtigil sa armadong bakbakan.
Napawi naman ang pangamba ng iilang mga kababayan ng dalawang angkan dahil natuldukan na rin ang kanilang pangamba na baka maipit sa gulo ng dalawang pamilya.(April Piquero,NDU,BACOM4)
PIC: Maguindanao 2nd District Assemblyman Toy Mangudadatu FB Wall