AWAY POLITIKA? | Pantao Ragat, Lanao del Norte Mayor Lacson Lantud, nakaligtas sa isang ambush

Lanao del Norte – Nakaligtas sa panananambang ang mayor ng Pantao Ragat sa Lanao del Norte.

Nangyari ang pag-ambush ng hindi pa mabatid na bilang ng mga armadong kalalakihan kay Mayor Lacson lantod sa Barangay Cabasagan habang sakay ito ng isang pick-up.

Patay naman ang kasama ni Mayor Lantod na si Barangay Captain Kalic Disamburun at isang alyas Tarapas.


Sugatan din ang limang iba pa nilang kasamahan na sina PO1 Macalaba, PO1 Mangonte, Casnunding Hasim, Barangay Captain Parmon Macarimbang at Acmad Magumnang.

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananambang maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments