BUY-BUST OPERATION | Mahigit tatlong milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Cebu

Cebu City – Aabot sa ₱3.5 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Labangon, Cebu City.

Nasa 300 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis pero nakatakas ang target na si Aljun Chavez na sinasabing miyembro ng malaking sindikato sa bahagi ng Central Visayas.

Maliban sa naturang operasyon, huli naman sa checkpoint ang 11 suspek matapos makuhaan ng marijuana at ilang pakete ng shabu.


Aminado naman ang mga suspek na gumagamit sila ng iligal na droga subalit mariin itinatanggi na nagbebenta sila nito.

Facebook Comments