AWAY SA DAAN | Driver na nakapatay sa nakaaway sa daan, nahaharap sa patong-patong na kaso

Negros Occidental – Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng driver ng pribadong sasakyan na nakapatay sa kapwa nitong driver na kaniyang naka-away sa bayan ng San Enrique, Negros Occidental.

Sa ulat, nasagi umano ng kotse ng biktimang si Benjie Eslabon ang SUV ng suspek na si Genesis Romo pero sa halip na huminto ay tumakas ito.

Naabutan ng suspek na si Romo ang biktima kung saan nagkasagutan sila hanggang sa magsuntukan pero napuruhan si Eslabon saka bumagsak sa semento at nabagok ang ulo.


Dinala pa sa Valladolid District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival si Eslabon habang nadakip si Romo sa hot pursuit operation ng pulisya.

Facebook Comments