SUNOG | 3 babae, patay!

Pampanga -Patay ang tatlong babae matapos na masunog ang kanilang bahay sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat, natagpuan ang sunog na bangkay ng mga biktimang sina Edith Guinto At Ella Marie Babon, sa loob ng comfort room sa second floor habang natagpuan naman si Elizabeth Bautista sa isang kwarto ng kanilang bahay sa San Diego St., Fiesta Community, Barangay Tabun.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Angeles, unang nasunog ang kotse na may plakang AVA-9421 sa garahe ng bahay ng mga biktima.


Agad kumalat ang apoy at nadamay pa ang isa sa mga katabing-bahay ng mga biktima kung saan nadiskubre ang mga bangkay ng biktima matapos na maapula ang sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad kung bakit biglang nasunog ang sasakyan ng mga biktima na sinasabing pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments