Awtomatikong price freeze sa construction materials sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Agusan del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera, ang pagpapatupad ng awtomatikong price freeze sa presyo ng mga construction materials sa mga lugar na nasa state of calamity.

Nakapaloob ito sa House Bill 9628, na inihain ni Corvera upang matulungan ang mga biktima ng kalamidad na makabangon sa pamamagitan ng awtomatikong price control sa presyo ng mga materyales para maisaayos ang kanilang mga nasirang bahay at iba pang ari-arian.

Tugon ito ni Corvera, sa madalas na pagtaas sa presyo ng mga bilihin tuwing may sakuna dahil sa law of demand and supply.


Inihalimbawa ni Corvera ang pagtriple sa presyo ng mga construction materials noong panahon ng Bagyong Odette kaya nahirapang bumili ng abot-kayang materyales na gagamitin sa pagkumpuni ng kanilang mga bahay ang mga nakaligtas sa kalamidad.

Facebook Comments