DND, may paglilinaw sa umano’y peace negotiation ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF

Wala pang gumugulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Ito ang nilinaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kung saan tanging exploratory talks pa lamang ang nangyayari sa magkabilang panig.

Dahil dito, magpapatuloy ang law enforcement operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.


Ibig sabihin, patuloy na tutugisin ng tropa ng gobyerno ang mga armadong grupo na banta sa katahimikan at seguridad ng bansa.

Nabatid na planong tapusin ng militar ang communist armed conflict ngayong taon.

Habang inanunsyo ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na hindi niya irerekomenda ang Suspension of Military Operations (SOMO) sa CPP-NPA-NDF ngayong panahon ng kapaskuhan.

Facebook Comments