Noong December 22, 2020, sa kabila ng mga pinagdaanang kalamidad ng ating mga kababayan sa Cagayan Province, nagkaroon ng pagkakataon ang Ayala Foundation, Inc., sa pakikipagtulungan sa RMN Foundation Inc., na makapag-bigay ng 200 radio transistor units sa mga pamilya mula sa mga bayan ng Buguey at Lal-lo.
Sa tulong ng RMN Foundation, RMN Cauayan, at Department of Education (DepEd) Philippines Region 2, naipamahagi ang mga rechargeable at solar-powered radio units sa mga pamilyang may mga anak na nag-aaral sa Bagumbayan Central School at sa Buguey North Central School. Ang mga radio units na ito ay magsisilbing access point para sa mga mahalagang balita, pati na rin sa mga programang pang-edukasyon na ginagamit sa new normal setup ng ating public school system.
Maraming salamat sa Ayala Foundation at BPI Region 2, na naging katuwang sa pagbabahagi ng mga radio units sa mga kababayan natin sa Cagayan Province. Ang distribution ng mga radio units ay bahagi ng nationwide campaign ng Ayala Foundation’s “BrigadaNgAyala” at disaster response initiatives ng Ayala Group of Companies.
Ang “One Radio” Program ng RMN Foundation ay naglalayun na makapagbigay sa mga Filipino ng access sa mga programang pang-edukasyon na ginagamit sa new normal setup ng ating public school system; at upang maipaabot ang mga makabuluhang mga balita at impormaayon lalo na sa panahon ng emergency or krisis.