Ayaw mo bang maloko sa pag-ibig?

1. *Kilalaning mabuti ang manliligaw. *Dahil nagsisimula pa lang naman kayo, mabuting kilalanin muna ang taong nanliligaw sa’yo. Huwag mo munang ibigay ang iyong matamis na “oo.”Maaaring may malaman kang pag-uugali niya na hindi mo magugustuhan o di kaya may matuklasan ka sa kanya na hindi niya ipinapakita.
2. *Huwag magpapadala sa mga pambobola. *Maraming lalaki ang mabulaklak magsalita, bobolahin ka para lamang makuha ang loob o. Huwag kang magpapadala sa mga sinasabi niya dahil baka hindi lang ikaw ang nakakarinig niyan, hindi lang ikaw ang nabiktima.
3. *Makinig sa magulang.* Huwag nating ipagsawalang bahala ang opinyon ng ating mga magulang tungkol sa mga ganitong bagay. makinig tayo sa kung anong nais nilang sabihin. HIndi naman nila tayo ipapahamak dahil tayo ay kanilang mga anak at ang nais lang nila ay makita tayong masaya at hindi umiiyak.
4. *Huwag masyadong magtiwala.* Marami ang nagsasabi na sa isang relasyon, dapat may tiwala upang mas matibay pa ang inyong pagsasama. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Pagkakatiwalaan mo siya, ngunit huwag kang makampante.
5. *Love yourself first.* Ito ang pinakamahal sa lahat. Mahalin mo muna ang iyong sarili bago ang ibang tao. HIndi mo makukuha ang pagmamahal na ninanais mo kung mismong ang iyong sarili ay pinagdadamutan mo. Dahil masaktan ka man sa huli, nariyan pa rin ang iyong sarili at hindi ka magsisisi.

Facebook Comments