Manila, Philippines – Makukuha na ng mahigit pitong milyong mahihirap na pamilya ang bagong cash subsidy mula sa pamahalaan simula sa susunod na buwan.
Ayon sa Department of Finance, P200 kada buwan ang tatanggapin ng 7.4 milyong pamilya bilang pangontra sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Paliwanag naman ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua, ang cash subsidy ay hiwalay pa sa conditional cash transfer na natatanggap ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Tinawag ng DOF na “unconditional cash transfer” ang nasabing benepisyo dahil hindi gaya ng CCT program ay wala itong kaakibat na kondisyon.
Unang makatatanggap ng UCT ang nasa 4.4 milyong 4Ps beneficiaries at nasa 3 milyong indigent senior citizens.
Kabuuang P2,400 para sa buong taon ang matatanggap ng kwalipikadong pamilya.