Manila, Philippines – Kinumpirma ni European Union Ambassador to the Philippines Franz Jessen na tinanggihan ng Pilipinas ang hindi bababa sa 380-milyong pisong ayuda ng EU.
Ito’y makaraang ibalik ng Pilipinas ang financial agreements ng trade-related technical assistance na lalagdaan sana noong isang taon.
Ayon kay Jessen, noon pa sanang Disyembre lalagda sa kasunduan ang Pilipinas pero ini-atras ito ng gobyerno.
Aniya, nakaambang ring tanggihan ng Pilipinas ang 40 million euros o 2.4 billion-peso aid para sa renewable energy projects na gagamitin sana sa pagtatayo ng solar power plants sa mindanao.
Matatandaang maka-ilang beses binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang E.U. dahil sa paglalatag ng kondisyon sa kanilang mga ayuda, gaya ng human rights regulations.