*Manila, Philippines – Magkakatuwang na namahagi ng tulong ang Philippine Red Cross, International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies ng ayuda sa mga apektado ng nagpapatuloy na pag aalburuto ng bulkang Mayon sa Albay.*
*Nabiyayaan ng relief goods, hot meals, sleeping kits with blanket, mosquito nets and mats, hygiene kits, jerry can containers at tarpaulins ang mga bakwit sa Guinobatan West Central School.*
*Maliban sa relief goods tinatapos na lamang ng Red Cross ang 5 palikuran sa munisipalidad ng Guinobatan at Malilipot habang magtatayo din ng karagdagan pang comfort rooms sa Gabawan Elementary School at Comun Elementary School. *
*Sa pinaka huling datos ng Red Cross, nakapamahagi na sila ng 7,728 face masks, 5,910 na evacuees naman ang nabigyan nila ng kaalaman sa proper hygiene habang 550,000 liters ng inuming tubig ang naibigay ng red cross sa mga bakwit at 12,747 individuals narin ang napagkalooban ng **Psycho social* * support.*
*Tuloy pa rin ang lava **fountain** at lava flow ng bulkang Mayon base narin sa impormasyon mula sa PHIVOLCS.*