Marawi – Umabot sa 1,200 na mga benepisyaryo ang tumanggap ng sampung libong piso bawat isa para sa cash-for-work program na Tulong Hanapbuhay Para sa mga Displaced Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment o DOLE. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga Internally Displaced Persons o mga bakwit na pamilya sa Marawi City na mga magsasaka na temporaryo’ng tumira sa evacuation center sa Balo-i, Lanao del Norte. Sa pamamagitan ng “Sanggibo Pasalamat” o Thousand Thanks, ang pinansiyal na tulong ay kanilang sweldo sa 30 araw na pagsasaka mula Disyembre 2017 hanggang Pebrero ngayong taon. Karamihan sa mga tumanggap nito ay mga benepisyaryo rin ng tatlong araw na farm training ng Go Negosyo-Convergys na ngayon ay mga magsasaka na ng Agri-Model Farm Site 1 sa Barangay Abaga, Balo-i, Lanao del Norte. Ayon sa Task Force Bangon Marawi, ang naturang programa ay bahagi nga rehabilitation program ng gobyerno para sa mga taga-Marawi City na apektado ang pamumuhay dahil sa kaguluhan.
AYUDA | Mga bakwit sa Marawi, tumanggap na ng kanilang sweldo sa Cash-For-Work Program sa DOLE
Facebook Comments