ROAD ACCIDENT | 18 wheeler truck, tumagilid sa Finance road sa Manila

20

Manila, Philippines – Tumagilid ang isang 18 wheeler truck sa bahagi ng padre Burgos, kanto ng Finance Road sa Maynila kaninang umaga. Kargado ng softdrinks ang naturang truck nang tumagilid ito habang binabagtas ang bahagi ng P. Burgos. Kwento ng truck driver na si Mike Arnan, may biglang sumingit na kotse kaya ikinabig niya sa kaliwa ang truck hanggang sa tuluyan itong tumagilid. Hindi naman nasaktan si Arnan at ang kanyang pahinante na si Angelo Gallera. Nabatid na galing sa Sta. Rosa, Laguna ang truck at papunta sana ito sa pier nang mangyari ang aksidente. Sa ngayon ay bukas na ulit sa mga motorista ang bahagi ng P. Burgos kung saan tumagilid ang truck.

Facebook Comments