Thursday, September 17, 2026

Ayuda para sa epekto ng krisis sa langis, ipagpapatuloy ng Malacañang

May nakahandang pondo ang pamahalaan para maipagpatuloy ang tulong sa mga sektor na tinatamaan ng epekto ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, maaaring gamitin ang savings ng mga ahensyang hindi nakapagpatupad ng kanilang mga proyekto para pondohan ang mga programa sa ilalim ng UPLIFT.

Kabilang dito ang ayuda para sa kabuhayan, inflation, fuel at transportasyon.

Sinabi ni Castro na mananatili ang mga programang ito habang ramdam pa rin ang epekto ng pandaigdigang krisis sa enerhiya.

Sa ganitong paraan, may mapagkukunan ang gobyerno ng pondo para sa mga sektor na direktang naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis

Facebook Comments