
Nanawagan si Senate President Win Gatchalian ng pagkakaisa matapos mairaos ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Gatchalian, ngayong tapos na ang halalan, hiling niya ang pagkakaisa para sa mas maunlad at mapayapang BARMM.
Sa kabila nito ay kinokondena ng Senate President ang karahasan at umano’y nangyaring pandaraya sa eleksyon kaya dapat mapanagot ang mga lumabag sa batas.
Ganito rin ang posisyon ni Senator Bam Aquino at aniya, umaasa siyang magkakaisa at magtutulungan ang mga nagwagi para sa mapayapang pagbuo ng regional government para sa matatag, maunlad at mapayapang BARMM region.
Suportado rin niya ang imbestigasyon ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagresolba ng lahat ng election-related offenses kabilang na ang mga nadiskubreng pre-shaded ballots sa Maluso, Basilan.










