AYUDA | PRRD, magbibigay ng P25-M na medical assistance sa PNP kada buwan

Manila, Philippines – Magbibigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng 25-milyong pisong medical assistance kada buwan sa Philippine National Police (PNP).

Inanunsyo mismo ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 117th Police Service Anniversary ng PNP sa Camp Crame kahapon.

Magagamit aniya ng mga pulis ang nasabing ayuda pagtuntong nila ng 50-taong gulang.


Kasabay nito, umapela ang Pangulo sa PNP na gawin ng tama ang kanilang trabaho at iwasang masangkot sa korapsyon.

Una nang kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go ang pag-apruba ni Pangulong Duterte sa medical assistance.

Aniya, bukod pa ito sa gagawing pag-upgrade ng PNP General Hospital sa Camp Crame.

Facebook Comments