Manila, Philippines – Walang dapat na ipangamba ang mga kamag-anak na OFW mula Kuwait dahil tinitiyak ng DOLE na mayroong nakalaan na trabaho ang 2,500 OFW na inaasahan na pauuwiin mula sa bansang Kuwait.
Sa ginanap na Presscon sa tanggapan ng DOLE sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroon ng OFW na nakabalik sa bansa at may nakalaan umanong trabaho para sa kanila.
Paliwanag ng kalihim na may nakalaan na re-integration program ang ahensiya kung saan hahanapan nila ng trabaho o maaring papupuntahin nila sa bansang Japan kung saan nangangailangan ng 80 libong trabaho ang naturang bansa, bukod sa Japan, pwede rin sa New Zealand, Germany at iba pang bansa.
Giit ni Bello, matagal ng pinaghahandaan ng DOLE ang naturang senaryo dahil inaasahan na nilang dadagsain ng mga katanungan kung ano ang mangyayari sa kanilang mga kamag-anak na mawawalan ng trabaho.