Azkals, tutulak sa Qatar para magsanay para sa FIFA World Cup

Nakatakdang umalis ngayong buwan ang Philippine Azkals patungong Qatar, Doha para sa kanilang training camp bago lumaban sa second round ng 2022 FIFA World Cup qualifiers na gaganapin sa Suzhou, China.

Ayon kay Philippine Football Federation (PFF) President Mariano Araneta, pumayag ang Qatar Football Association na i-host ang training camp ng Azkals gayundin ng Maldives at Syria.

Nabatid na ang Pilipinas, Maldives, Syria, China at Guam ay magkakasama sa Group A.


Ang 2022 FIFA World Cup qualifiers ay magiging batayan din ng koponan na papasok sa 2023 Asian Cup.

Facebook Comments