Babae, aksidenteng nalunok ang engagement ring dahil sa panaginip

3220
Jenna Evans/Facebook

Kinailangan operahan ang isang babae sa California matapos lunukin ang kanyang engagement ring habang natutulog.

Sa Facebook post ng bride-to-be na si Jenna Evans, ibinahagi niya ang kakaiba ngunit may halong katatawanang insidente.


Kuwento ni Evans, Martes noong nakaraang linggo nang nanaginip siya na kinain niya ang kanyang singsing, pero paggising kinabukasan, nadiskubre niyang nalunok niya nga talaga ito.

“We laughed pretty hard for about an hour and a half, called my mom, laughed until we were crying, googled ‘do other adults swallow rings’, because kids do it all the time, but apparently it’s less common for adults,’” saad niya sa post.

Pumunta siya sa doktor, sumailalim as X-Ray at nakita sa tiyan niya ang singsing, kaya minabuti na tumawag ng gastroenterologist para tanggalin ito.

“I went to urgent care where I struggled to explain why I was there, because I was laughing/crying so hard. The doctor ordered an Xray and seemed pretty shocked when she walked back in with a second doctor and showed me that sure enough, my ring was right there in my stomach!” pagpapatuloy ni Evans.

Paliwanag ni Evans, nanaginip siya sa kasama niya ang kanyang fiancé sa loob ng tren na mabilis ang takbo.

Napapalibutan daw sila ng masasamang tao kaya sinabi ng fiancé niya na lunukin ang singsing para protektahan ito.

Kaya naman aniya, “I popped that sucker off, put it in my mouth and swallowed it with a glass of water riiiight about the time I realised what I was doing,” her post continued. ‘I assumed this too was a dream, because WHO ACTUALLY SWALLOWS THEIR ENGAGEMENT RING, so I went back to sleep.”

Facebook Comments

From Advertisers