TOWNSVILLE, Queensland – Inaresto ang isang 28-anyos na babae matapos ito magkunwaring may kanser para makalikom ng $55,000 o (P2,795,430) mula sa kanyang mga kaibigan.
Inakusahan ng scamming si Lucy Victoria Wieland noong Oktubre 2018 nang gumawa siya ng GoFundMe page online para makalikom ng pera sa umano’y pagpapagamot ng kanyang terminal ovarian cancer.
Nahuli si Wieland nang mayroong makapagsabi sa pulisya ng kalokohang ginagawa nito at agad na naipasara ang ginawa niyang fundraising page.
Samantala, matapos ang mahigit isang taon ay may bagong alegasyong niloko niya rin umano ang kanyang dating nobyo na si Bradley James Congerton na naging full-time na tagapag-alaga pa niya.
Sinampahan ng panloloko at paggamit ng ipinagbabawal na gamot si Wieland.
Nitong Huwebes ay nakatakda umano itong humarap sa korte ngunit hindi ito sumipot.
Lumipat daw ito ng tirahan at naiulat na tinapos na rin ni Congerton ang kanilang relasyton.
Base sa inilabas na report ng pulisya, namataan sa bahay ng suspek ang ilang pakete ng gamot na Letrozole na ginagamit panlunas ng breast cancer.
Ngunit lumalabas na ang mga naturang gamot ay ginagamit niya para sa kanyang urinary tract infection (UTI).
Samantala, iaasahan naman ang kanyang pagharap sa korte ngayong darating na Enero 29.