Babae arestado sa pagnanakaw ng mga face mask, hand wash mula sa ospital

Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang isang babaeng tumangay ng mga face mask at iba pang medical supply mula sa ospital sa Australia sa kabila ng krisis sa COVID-19.

Ninakaw umano ng 65-anyos na empleyado sa isang unibersidad ang mga gamit noong Marso 4 at 6, habang nakadestino sa ospital para tulungan sa work placement ang mga estudyante, ayon sa ulat ng The West Australian.

Hinalughog ng awtoridad ang bahay ng suspek noong nakaraang linggo at nakuha ang 60 face masks, antiseptic hand wash, wipes at swabs.


Sinabi ng presidente ng Australian Medical Association na nakatatanggap na sila ng ulat ng mga nagkakandawalang mask kamakailan, kasabay ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.

Dahil sa mga insidente ng nakawan, pinaigting ng health department ang pagtatago ng personal protective equipment na kakailanganin ng frontliners.

Isusumbong naman daw sa pulisya ang mga healthworker na mahuhuling nagbabawas ng stock sa ospital para sa personal na gamit.

Facebook Comments