Isang babae ang itinulak ang sikat na pari sa kalagitnaan ng misa sa Cachoeira Paulista, Brazil, nitong Linggo, Hulyo 14.
Sa isang video, makikita ang 32-anyos na babae na tumatakbo papunta kay Padre Marcelo Rossi, sikat na pari sa nasabing bansa, at itinulak ito pababa ng stage.
Naghiyawan sa gulat at hidi makapaniwala ang tinatayang 50,000 Katoliko na dumalo sa misa ng isang youth retreat, na live din sa telebisyon.
Ayon sa pulisya, kabilang ang hindi pinangalanang babae sa isang grupo mula sa Rio de Janeiro na lumahok sa retreat.
Sinabi ng mga kasamahan niya sa pulisya na may mental health problem ang babae, na may 3-anyos na anak na isinama niya rin sa misa.
Ayon pa sa diyaryong O Dia, sinabi ng babae sa interview na ang nangyari ay sa pagitan na lamang nila ng pari (“between Rossi and I”).
Hindi naman nagsampa ng kaso ang pari na hindi raw masyadong nasaktan sa pagbagsak.
Tinaguriang “pop-star priest” at “celebrity priest” ng iba’t-ibang news site si Rossi na sikat sa Brazil mula pa late 1990s.
Si Rossi ay kilala rin sa pagiging anti-gay o labis na tutol sa homosexuality.
Noong 1998, sinabi ni Rossi na “a lot of ideas will change the day homosexuality is proven to be an illness,” at noong 2012 naman, sinabi niyang hindi galing sa Diyos ang same-sex marriage.