Babae, Nagpakamatay Dahil sa Ikakasal na Kasintahan

2941

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang babae matapos magpakamatay sa barangay Malamag West, Tumauini, Isabela.

*Sa ibininahaging impormasyon ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station, kinilala ang biktima na si Cristy Joy Tamang, 24 taong gulang at nakatira sa naturang barangay.*


*Una rito, nakita ang biktima ng kanyang mga kamag-anak na naglalaba ito sa kanilang bahay ngunit kalauna’y nadatnan na lamang ng kapatid ng biktima na si Heherson sa kusina ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang pinagdugtong na sinturon at pantali.*

*Agad naman na humingi ng saklolo ang kapatid ng biktima para maisugod ito sa pagamutan subalit wala nang buhay ang biktima.*

*Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ayon na rin sa kaanak ng biktima na nakararanas ng depresyon at anxiety ang biktima dahil sa nakatakdang pagpapakasal ng kanyang kasintahan sa ibang babae.*

*Napag-alaman din na binidyuhan pa ng biktima ang kanyang ginawang pagpapatiwakal.*




*Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang insidente.*

*Tags: 98.5 ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, pnp tumauini, pmaj rolando gatan, *Cristy Joy Tamang, barangay Malamag West, Tumauini, Isabela

Facebook Comments