Babae pumasa sa LET matapos bumagsak ng pitong beses

Courtesy Facebook/Nelma Dahimulla

Try and try until you succeed.

Ito ang pinatunayan ng bagong guro na si Nelma Dahimulla, mula sa Zamboanga City.

Sa kanyang Facebook post, sinalaysay ni Dahimulla na walong beses siyang nagtake ng LET exam hanggang tuluyan makapasa ngayong taon.


Nagtapos ng kursong Agri-Fishery Arts ang LET passer sa Notre Dame of Siasi sa Sulu.

Hindi naging madali ang tinahak na landas ni Dahimulla bago makamit ang minimithing pangarap.

“My first take naka 68 lang ata ako dayyy. masakit sobra pero madali lang man makamove on agad kasi inisip ko “ah wala to first time ko kasi kaya nanibago lang siguro tapos wala pang review.”

74.20 ang unang score na kanyang nakuha sa LET.

“Nakakadown talaga yung ganun yung tipong paglabas ng result gusto mong umiyak sa harap ng parents mo at sabihin na bagsak kana naman kasi you can see in their faces kung gano sila kalungkot for you pero Hindi tatawa lang ako at sabihin lang may exam pa naman ulit,” aniya.

Sa mga nakalipas na exam, nagrerebyu ng sarili si Dahimulla dahil sa kapos sa pambayad ng mga review center.

Nagpursige maigi sa trabaho ang dalaga para makapagaral sa sikat na review center.

“So pinagbutihan ko talaga ang pagrereview ko kasi para sa pangarap eh. yung sobrang pagod, iyak at mga frustration ko gusto kong maging worth it yun sa huli I always pray to him asking him for guidance and a lot of strength to still fight sa laban na to.”

Lahat ng paraan ginawa ng guro para tuluyang pumasa.

“Sa Araw na yun ginawa ko lahat I prayed hard!! kahit na mga pamahiin na nabasa ko ginawa ko na ang underwear na pula haha pagsipa sa bangko pagbigay sa proctors ng mga ginamit ko sa Exam at hindi paglingon pag uuwi na. ginawa ko lahat yan. para lang pumasa. hahaha.”

Matapos ang matinding pagsusumikap at paghihintay, nakamit ni Dahimulla ang lisensya sa pagtuturo.

“At nakamit ko yan ng pang Eight(8) take ko na… Yeees. tama ka pang walo ko saka ako pumasa at Si Allah (S.W.T), My Family ,Friends at CBRC family ang mga karamay ko para pumasa Kaya ikaw na di pumasa ngayon tiwala lang sa kanya at sa sarili . God has perfect plan for you Don’t lose hope always have faith in you and of course sa kanya! Humingi ka sa kanya ibibigay nya yan sa tamang panahon di man ngayon, sa susunod baka ibigay nya na. naghihintay lagi sya ng perfect timing para satin besh..”

Narito ang kabuuan ng inspirational story ni Teacher Nelma:

 

Facebook Comments